INIHAIN ni Senator Koko Pimentel ang isang resolusyon sa Senado kung saan layunin nitong makapagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa talamak na smuggling ng agri products.
Sa kanyang Senate Resolution No. 477, sinabi ni Pimentel na hindi naipatupad nang maayos ang Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 kaya laganap pa rin ang kalakaran na ito.
Hindi naman sana lingid sa kaalaman ng lahat na marami nang nakumpiska ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na iligal na agri products gaya ng asukal at sibuyas.
Dahil dito, hinikayat ni Pimentel na simulan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasagawa ng imbestigasyon.