MALAPIT nang ipagbawal ng Australia na gumamit ng social media ang mga kabataan na wala pang 16 na taong gulang.
Ayon ito kay Australian Prime Minister Anthony Albanese at ang panukala hinggil dito ay nakatakda nang ipasa.
Dagdag pa nito, makatutulong ito sa mga magulang dahil labis ang pinsalang dulot ng social media sa mga kabataan.
Sa mga tech giant, responsibilidad na umano nila ang tiyakin na nasa tamang edad ang gagamit ng kanilang social media platforms.