‘BIDA Fun Run’ ng DILG, dadaluhan ng nasa 10k katao sa Pebrero 26 

‘BIDA Fun Run’ ng DILG, dadaluhan ng nasa 10k katao sa Pebrero 26 

PUSPUSAN ang preparasyon na ginagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa gaganaping Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan Fun Run sa Quirino Grandstand, Manila ngayong darating na Linggo, Pebrero 26, 2023.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. nasa 10,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ang inaasahang makikilahok sa halos 3 kilometrong takbuhan.

Hakbang ito para makakuha ng suporta sa programang BIDA laban sa iligal na droga.

Bukod sa takbuhan, naglaan din ng Serbisyo Caravan sa lugar na lalahukan ng nasa halos 10 na ahensiya ng pamahalaan.

Ilan sa mga serbisyong pupuwedeng ma-avail sa caravan ay ang nga sumusunod: passport application, SIM card registration, driver’s license application at renewal, blood type testing, X-ray, mammogram, police clearance, bukod sa iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter