BIDA program ng DILG, umarangkada sa SOCCSKSARGEN

BIDA program ng DILG, umarangkada sa SOCCSKSARGEN

UMARANGKADA na sa SOCCSKSARGEN ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) program ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Bilang pagpapatuloy sa kampanya ng kagawaran sa pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa, pinamunuan ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang paglulunsad ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) sa SOCCSKSARGEN nitong Sabado, Hunyo 24.

Iginiit ng kalihim na sa bawat 10 aniya na nakukulong sa illegal drugs, tatlo ay babalik at makukulong ulit.

Ang magandang gawin aniya, ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng bansa gaya ng mga Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP),  National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa kabuuan, umabot sa humigit-kumulang 8,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ang nagtipon sa Capitol Grounds at nakiisa sa BIDA Fun Run sa Alabel, Sarangani na bahagi ng paglulunsad ng anti-illegal drug campaign ng ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter