UMABOT na sa 57 ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon ng MRT-3.
Ito ay matapos matagumpay na nai-deploy ang isa pa noong June 22, 2022.
Ayon sa MRT-3 management, samailalim sa serye ng mga speed at quality checks ang mga bagong overhaul na bagon, upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Sa kabuuan, 15 na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang nakatakdang isalang sa overhauling kung saan kinukumpuni at pinapalitan ng bago ang mga depektibong piyesa upang maibalik sa maayos na kondisyon ang mga bagon.
Nakatutulong ang pagtaas ng bilang ng mga operational train cars ng MRT-3 sa pagpapataas ng line capacity nito.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 380,000 pasahero ang napagseserbisyuhan ng MRT-3 sa isang karaniwang araw.