Blackpink Rosé, nasa ilalim na ng The Black Label para sa kaniyang solo activities

Blackpink Rosé, nasa ilalim na ng The Black Label para sa kaniyang solo activities

KUMPIRMADO na ang paglagda ni Rosé ng Blackpink sa The Black Label bilang bago nitong agency para sa kaniyang solo activities.

Ang The Black Label ay binuo ni Teddy na naging record producer na rin ng Blackpink sa ilalim ng YG Entertainment.

Kasalukuyan namang ang mga artist sa ilalim nito ay sina Taeyang ng BigBang, Jeon Somi, Zion T at mga aktor na sina Park Bo-Gum, at Lee Jong-won.

Sa anunsiyo ng The Black Label, naghahanda na si Rosé para sa isang panibagong music at global fan meet.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble