Bomb threat sa Metro Manila at Laguna, nagmula sa Japan—PNP

Bomb threat sa Metro Manila at Laguna, nagmula sa Japan—PNP

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na binulabog ng pitong bomb threat ang Metro Manila at Laguna kahapon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na anim sa mga bomb threat ay naitala sa Metro Manila kabilang ang Department of Budget and Management (DBM) at National Museum.

Habang isang bomb threat ang naitala sa Pangil Elementary School sa Pangil, Laguna.

Sa pag-iimbestiga ng awtoridad, napag-alaman na ang bomb threat ay nagmula sa Japan.

Maliban sa Pilipinas, may mga ipinadala ring bomb threat sa Vietnam, China, Taiwan, at South Korea.

Nag-negatibo naman ang mga bomb threat ngunit nanawagan ang pulisya na iwasan ang pagpapakalat nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble