PLANO ng Caloocan City na hatiin sa anim na hiwalay na barangay ang Barangay Bagong Silang.
Ang Bagong Silang ay ang pinakamatao at pinakamalaki na barangay sa Caloocan City.
Ibinahagi na ni Caloocan City District 1 Rep. Oscar Malapitan na inihain niya na sa Kongreso ang panukala.
Aprubado na ang panukala sa Kamara at aantayin na lang ang pag-apruba ng Senado dito.
Ani Malapitan, tukoy na ang teritoryo para sa magiging anim na panibagong barangay.