NAKAKUHA ng napakababang budget ngayong taon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) simula noong taong 2021.
Sa 2025 national budget, ang flagship project ng NTF-ELCAC na Barangay Development Program (BDP) ay binigyan lang ng P1.95B.
Sobrang mababa ito kumpara sa orihinal na ipinanukala nila na P7.8B.
Noong 2024 ay nasa P2.1B lang din ang budget ng NTF-ELCAC mula sa ipinanukala nilang P5.85B.
Kung matatandaan naman, noong 2021 nang unang nabuo ang BDP ng NTF-ELCAC ay nasa P16.4B ang inilaan para dito subalit binawasan ito noong 2022 kung saan, ito’y naging P5.6B na lang.
Noong 2023, umabot ng P6.3B ang pondo ngunit iyon nga ay nabawasan muli pagdating ng 2024.