Bulkang Kanlaon, inilagay na sa Alert Level 3

Bulkang Kanlaon, inilagay na sa Alert Level 3

ITINAAS na ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Level 3 mula Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.

Pasado alas-tres ng hapon nitong Lunes, Disyembre 9, 2024 nang bigla itong pumutok.

Umabot sa apat na kilometro ang taas ng ibinuga nitong plume.

Dahil diyan, mas lalong pinag-iingat ngayon ng PHIVOLCS mula sa ashfall ang mga nakatira sa paligid ng bulkan.

Mahigpit na binabantayan na rin ng mga lokal na pamahalaan ang epekto ng naging pagputok.

Ang mga pasok naman ng mga paaralan malapit sa bulkan ay ipinasuspinde na.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble