NAKATAAS pa rin sa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Mayon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ito’y kasunod ng nagpapatuloy na pag-aalburuto ng bulkan.
Sa pinakahuling tala ng PHIVOLCS, Hunyo 11 umabot na sa higit 100 ang rockfall at 1 ang volcanic earthquake.
Umabot naman sa halos 1,205 na tonelada ng sulfur dioxide ang naibuga ng bulkan sa loob ng 24 oras.
Hindi inaalis ng ahensiya ang posibilidad na magkaroon ng hazardous eruption sa oras tumindi ang volcanic eruption.
Mahigpit ding binabantayan ng PHIVOLCS ang bagong lava dome sa bunganga ng bulkan sa gitna ng tahimik at mabagal na pagputok.
Sa monitoring ng Bulkang Mayon Observatory ng PHIVOLCS Albay, 7:47 kagabi, naitala ang lava flow sa bulkan.