Pagmamahal sa Pilipinas, ipakita sa pagsali ng ROTC—Sen. Tolentino

Pagmamahal sa Pilipinas, ipakita sa pagsali ng ROTC—Sen. Tolentino

HINIKAYAT ngayon ni Senator Francis Tolentino ang mga kabataan na ipakita ang pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsali sa Reserve Officers’ Training Corp (ROTC).

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon pa kay Sen. Tolentino, dapat hindi maging opsiyonal ang pagsali ng ROTC.

Ito’y dahil mas inuuna ng mga bayani ng bansa ang pag-alay ng kanilang buhay para makalaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop.

Ang pagsali sa ROTC ay nananatili pang opsiyonal sa ngayon subalit isinusulong ito na maging mandatoryo ng mga mambabatas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter