NAIA managers, dapat sibakin kasunod ng panibagong aberya—Enrile

NAIA managers, dapat sibakin kasunod ng panibagong aberya—Enrile

DAPAT sibakin na ang namamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa programa nito sa SMNI noong Sabado.

Hunyo 9, 2023, araw ng Sabado nang muling nakaranas ng power outage ang NAIA Terminal 3.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 12:52 – 1:28 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang pagkawala ng kuryente sa NAIA Terminal 3.

Ang resulta, 7 flights ang naantala.

Nagdulot din ang insidente ng mahabang pila sa Immigration counters.

Si Manila International Airport Authority (MIAA) officer-in-charge Bryan Co ay humingi ng paumanhin sa mga pasahero at iba pang naapektuhan ng pinakabagong insidente.

 “We apologize to all the passengers and stakeholders that were here at Terminal 3 today that were inconvenienced because of this brief power interruption that affected the terminal,” ayon kay Bryan Co, OIC, MIAA.

Pero para kay Enrile, dapat nang sibakin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga airport official sa naturang nakahihiyang power outage sa NAIA.

‘Wag na aniyang tanggapin ang apology at alisin na dapat sa puwesto.

Sa kaniyang programang ‘Dito sa Bayan ni Juan’ nitong Sabado sa SMNI, binigyang-diin ni Enrile na ang mga iniluklok sa puwesto sa gobyerno ay dapat hindi putulog-tulog sa trabaho.

Meralco, inamin ang kasalanan sa naging power outage sa NAIA Terminal 3

Inamin naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang pagkakamali dahilan kung bakit nangyari ang huling power outage sa NAIA Terminal 3.

Sa inilabas na pahayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldariaga, kinumpirma nila na ang personahe ng subsidiary nilang MSERV ang nagsasagawa ng testing activities sa electrical facilities sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 9.

“We are issuing this statement to confirm that MSERV, in the presence of MIAA personnel, was conducting testing activities of NAIA Terminal 3’s electrical facilities when the brief power outage occurred last Friday,” ayon kay Joe Zaldariaga, spokesperson Meralco.

Ayon kay Zaldariaga, batay sa isang incident report na isinumite sa airport authorities, aksidenteng naiwan ng personahe ng MSERV ang grounding conductors na nakakabit sa electrical equipment habang ginagawa ang testing activity.

Ito ang sinasabing nagdulot ng electrical fault pagsapit ng 12:50 ng hapon.

“According to an incident report submitted to airport authorities, an MSERV personnel accidentally left grounding conductors attached to an electrical equipment during a testing activity, which triggered an electrical fault at 12:50pm. That subsequently caused the power interruption of NAIA Terminal 3’s facilities on June 9,” dagdag ni Zaldariaga.

Naglatag naman ng rekomendasyon ang MERALCO kasunod ng pangyayari.

Ito’y ang istriktong pagpatutupad ng toolbox meeting ng mga personahe ng MIAA, MSERV, at MERALCO bago ang aktibidad.

At ang pagsasagawa ng maigiting na joint inspection sa lugar kung saan nagtrabaho.

“These include, among others, the strict implementation of toolbox meeting among MIAA, MSERV and Meralco prior to any activity, and conduct of thorough joint inspection of work area prior to energization of facilities being tested,” ani Zaldariaga.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa nangyaring aberya.

“We would like to apologize for the inconvenience of the power interruption last Friday caused,” aniya.

Ang pangyayari noong Biyernes ay pangatlong beses nang aberya sa NAIA ngayong taon.

Una ay noong ‘New Year’s Day’ kung saan naparalisa ang buong air navigation system ng bansa.

Sinundan ito noong ‘Labor Day’, Mayo 1, 2023.

Buwan ng Setyembre 2022 naman nang maganap din ang power failure sa NAIA Terminal 3.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter