CAAP, nakahanda na para sa darating na tag-ulan 

CAAP, nakahanda na para sa darating na tag-ulan 

MALIBAN sa Bulkang Kanlaon na isa sa binabantayan ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay pinaghahandaan na rin ng naturang ahensiya ang papasok na La Niña sa bansa.

Sinabi ni CAAP Deputy Director General for Operations Captain Edgardo Diaz na para hindi maantala ang operasyon ngayong panahon ng tag-ulan, ay nakahanda na rin ang CAAP at nagkaroon na rin ng pagpupulong ang kanilang mga area manager sakaling dumating ang mga bagyo.

“Taon-taon po ay naghahanda tayo sa tuwing ganitong papasok ang mga bagyo kaya po nagpalabas na tayo ng memo at kinausap na po natin ang mga areas natin na maghanda po para sa pagdating ng mga bagyong iyan, so ang kada airport po ay naka-prepare, mayro’n po tayong mga procedures in place at alam nila kung ano po ang ipapatupad kapag mayro’n po tayong weather disturbance,” saad ni Capt. Edgardo Diaz, Deputy Director General for Operations, CAAP.

Sa kasalukuyan ay may 44 commercial airports na ino-operate ang CAAP.

Sa kabilang banda ay binigyang-diin ng CAAP ang kanilang mga hakbangin para mapahusay ang air quality services sa mga airport sa Pilipinas at sa pamamagitan ng kolaborasyon nito sa international civil aviation counterparts.

Gaya na lamang sa paparating na 59th Conference of Directors General of Civil Aviation Asia and Pacific Regions (DGCA) na gaganapin sa bansa ngayong Oktubre, na magdadala ng mahigit 400 delegates.

“Sa October magkakaroon tayo ng DGAC kung saan lahat po ng authority sa APAC region ay pupunta sa Pilipinas para magkaroon ng palitan ng standards at saka recommended practices for the improvement po ng ating aviation sector,” wika ni Capt. Edgardo Diaz, Deputy Director General for Operations, CAAP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble