Caloocan Police, bigong maaresto si Bantag sa 2 bahay nito sa Caloocan

Caloocan Police, bigong maaresto si Bantag sa 2 bahay nito sa Caloocan

BIGO na maisilbi ng Caloocan Police ang arrest order laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief General Gerald Bantag.

Pagkatapos ang issuance ng warrant of arrest mula sa Muntinlupa RTC para kay Bantag ay agad na sinubukan ng mga pulis na arestuhin ito sa address nito na nakalagay sa warrant.

11:40 nang puntahan ng Caloocan Police kasama ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) at kapitan ng barangay ang address nito sa Blk. 9 Lot 3, Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan, Caloocan City pero nakapadlock umano ang mga pinto doon.

“Wala pong tao doon, ang mga kwarto ay nakapadlock. Tatlong palapag po yon,” saad ni Major Jayrald Rivera, Caloocan Police.

Sinubukan din ng mga awtoridad na puntahan din ito sa iba pa niyang bahay sa Caloocan pero wala rin doon si Bantag.

“Caretaker lang po ang nakausap namin doon and according po doon sa information, years ago na talagang walang pumupunta doon,” ayon kay Major Jayrald Rivera, Caloocan Police.

Matatandaan na ang warrant of arrest ay may kinalaman sa Percy Lapid at Jun Villamor murder.

Isinampa ang murder case laban kay Bantag sa Muntinlupa dahil sa pagkamatay umano ng middleman na si Jun Villamor.

May isinampa ring murder case laban sa dating BuCor chief sa Las Piñas City dahil naman sa pagpatay sa mamahayag na si Percy Lapid.

Ang warrant of arrest ay may petsa na April 12, 2023 ay nilagdaan ni Presiding Judge Gener M. Gito.

Nakasaad sa warrant na ang murder ay non-bailable o hindi puwedeng piyansahan.

Maliban kay Bantag ay inisyuhan din ng warrant of arrest si former BuCor official Ricardo Zulueta.

Warrant of arrest para kay Gerald Bantag bahagi ng due process – DOJ Secretary Remulla

Samantala para kay si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, welcome development ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Bantag.

 “Thats due process. The wheels of justice are turning. So it’s a welcome development,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Hamon naman nito kay Bantag,

“Just face the music. If you think you are innocent, just come in to face the music. Ano naman yan eh… the judges will be able to know if the truth is there,” ayon kay Remulla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter