IPAPAKITA ang “carefree at lighter side” ng pamilyang Marcos sa ginagawang pelikula sa Maid in Malacañang.
Mababatid na lagi nang nababanggit ng director na si Daryl Yap na ang Maid in Malacañang ay isang comedy film.
Magbibigay sulyap lamang sa mga manonood ang nasabing pelikula sa buhay ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago tumakas patungong Hawaii noong 1986 People Power Revolution.
Maipapakita rin aniya sa Maid in Malacañang ang isang pamilyang Pilipino na kahit sa gitna ng pagsubok ay sama-sama at matapang na lumalaban.
Samantala, kabilang naman si Sen. Imee Marcos sa creative committee.
Kabilang naman sa Maid in Malacañang ay sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez bilang Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at Unang Ginang Imelda Marcos, kasama sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz bilang Imee, Bongbong at si Irene.
Kasama rin sa cast sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.