Cease and desist order vs POGO hub sa Las Piñas, welcome sa PNP

Cease and desist order vs POGO hub sa Las Piñas, welcome sa PNP

TINANGGAP ng Philippine National Police (PNP) ang cease and desist order ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) laban sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Las Piñas City.

Ito’y dahil sa pagkakasangkot umano ng kompanya sa ilegal na operasyon ng POGO at human trafficking.

Sinabi ni PNP PIO Chief PBGen. Redrico Maranan na makatutulong ang nasabing kautusan ng PAGCOR upang mabilis na maiproseso ang 2,725 POGO workers kabilang na ang foreign workers.

Ayon kay Maranan, napatunayan din ng cease and desist order na lehitimo ang isinagawa nilang operasyon sa lugar.

Sa ngayon, naisailalim na sa profiling at documentation ang 781 mula sa 1,200 foreign workers.

Habang nainspeksiyon na rin ang 71 mula sa 139 safety deposit boxes, kung saan sinaksihan ito ng Anti-Money Laundering Commission (AMLC) at mga opisyal ng barangay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter