Cebu-Cordova Link Expressway, pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas

Cebu-Cordova Link Expressway, pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas

PINAKAMAHABANG tulay sa buong Pilipinas ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).

Nabuo at nabuksan ang pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas dahil sa matinding political will ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigit sa P33-B ang budget ng proyekto sa ilalim ng Joint Venture Agreement ng pamahalaan at pribadong sektor.

Nasa 8.9 kilometro ang haba ng tulay na nagdurugtong sa Cebu City sa bayan ng Cordova, Mactan kung saan matatagpuan ang Mactan International Airport.

Kung ihahambing, apat na beses na mas mahaba ang CCLEX sa dating pinakamahabang tulay sa Pilipinas na San Juanico Bridge ng Tacloban City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter