Cessna plane, nawawala matapos mag-take off sa Cauayan, Isabela

Cessna plane, nawawala matapos mag-take off sa Cauayan, Isabela

ISANG six-seater Cessna plane ang nawawala, ilang oras matapos mag-take off sa Cauayan, Isabela kahapon, Enero 24, 2023.

Batay sa spot report ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP), patungong Maconacon, Isabela ang plane ngunit hindi dumating.

Sinabi ng CAAP na alas-3 ng hapon kahapon nang matanggap nila ang report ukol sa nawawalang Cessna plane.

Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng CAAP ang pagkakakilanlan ng piloto at limang pasahero nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter