Choco Mucho Flying Titans, determinadong makuha ang third place

Choco Mucho Flying Titans, determinadong makuha ang third place

HINDI rin basta-basta nagpatalo ang Choco Mucho Flying Titans laban sa Akari Chargers sa kanilang battle for third.

Sa game 2 ng kanilang best-of-three series, nagwagi ang Choco Mucho sa iskor na 25-18, 25-22, 27-29 at 25-19.

Tumulong sa panalo ng koponan si Sisi Rondina na may 26 points.

Habang nag-ambag ng 17 points si Royse Tubino, may 12 points naman si Isa Molde at Cherry Nunag na may 11 points.

Sakali namang manalo ang Flying Titans sa deciding game muli itong magtatala ng poduim finish.

Noong nakaraang season, nakuha ng Choco Mucho ang runner-up.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble