Coast Guard, naghatid ng seguridad sa Quiapo Church para sa Mahal na Araw 2025

Coast Guard, naghatid ng seguridad sa Quiapo Church para sa Mahal na Araw 2025

SA panahon ng pananampalataya at pagninilay, hindi lamang mga deboto ang handang magsakripisyo—kundi pati ang mga naglilingkod para sa ating kaligtasan ngayong Mahal na Araw.

Katuwang ang Philippine National Police – MPD, ang Coast Guard District NCR – Central Luzon sa pamamagitan ng K9-Explosive Ordnance Disposal Unit ay buong pusong nagbigay ng seguridad sa Quiapo Church ngayong Mahal na Araw 2025.

Isa itong patunay na ang pagkakaisa ng mga ahensya ay susi sa mapayapang paggunita ng ating pananampalataya. Saludo kami sa inyong dedikasyon!

 

Follow SMNI NEWS on Twitter