Code of conduct sa South China Sea, malabo pa umanong mapirmahan ng China

Code of conduct sa South China Sea, malabo pa umanong mapirmahan ng China

MALAKI ang paniniwala ng isang dating Supreme Court Justice na hindi pa handa ang China na lagdaan ang isinusulong ng Pilipinas at iba pang bansa na code of conduct sa South China Sea.

Ipinaliwanag ni Dating Senior Associate Justice Antonio Carpio na ito ay dahil hindi pa nakaabot ang China sa sinasabi nilang appropriate time o tamang panahon.

Dagdag pa ng dating mahistrado na nakadepende ang paglagda ng China sa kung maitatayo na nila ang air at naval base sa Scarborough Reef.

Ito aniya ang kukumpleto sa plano ng China na pagkontrol sa South China Sea matapos nilang magawang kampo ang Mischief Reef o Panganiban Reef, Subi Reef o Zamora Reef, at Fiery Cross Reef.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble