PINAKAIMPORTANTE sa mabilis na pag-unlad sa bansa ang connectivity.
Ito ang inihayag ni Senatorial aspirant Gregorio Honasan sa panayam ng SMNI news.
Sinabi din ni Honasan na ang pag-angat ng connectivity sa bansa ay dahil sa political will ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ito ay nangangahulugan ng pagiging mabilis.
Ayon kay Honasan kung papalarin siyang makakuha ng pwesto sa 2022 election, kanyang babalikan ang naiwan niyang trabaho sa Department of Information and Communications Technology.
Bubuhayin din daw nito ang isang programa noon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na JEDAC na naglalayong mapaigting ang koordinasyon at maiiwasan na ang hidwaan.