Juan Ponce Enrile at Jess Aranza, pinuri si Pastor Apollo sa nakuhang award ng SMNI

PERSONAL na nagpaabot ng kanilang papuri ang Bayan ni Juan anchors na sina Jess Arranza at former Senator Juan Ponce Enrile para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at Sonshine Media Network International (SMNI).

Ito’y sa muling kinilala ang SMNI bilang Best Trusted News Broadcasting Company ngayong taon ng 2021 Golden Globe Awards.

Iginiit ni Aranza at Enrile, na naging saksi sila sa mabilis na pag-angat ng SMNI sa maikling panahon lamang.

‘’Ako napanood ko alam mo Admar, Mang Juan matagal-tagal na rin ang programang Dito sa Bayan ni Juan dito sa DZARat ngayon ay sa SMNI. Nakita namin ang growth, ang nakikita ko parang meteoric ang sipa nitong SMNI walang halo itong kung anumang bagay, I would like to congratulate SMNI. Unang-una ho hanga ako sa mga reporters, hanga rin ako sa iba-ibang bansa na pagkatapos ng report sasabihin in their language at hanga ako kay Pastor sapagkat walang halo itong patronize whatever, ang aking nakita kasi in short time na-attain mo ang ganito. It’s so amazing at I’m proud na napatagal na rin kami rito sa istasyon na ito. Alam mo hanggang nandito ako, hanggang buhay kami, ako eh dito siguro e hindi ko sasabihing tatanda kasi matanda na rin kami e, mas tatanda pa rin kami rito. Congratulations Pastor Quiboloy! Congratulations sa lahat ng personnel dito, lahat sila Admar, lahat kayong lahat, Congratulations,’’ayon kay Jess Aranza.

‘’Alam mo nasa mga tao sa organisasyon iyan e, maganda magagaling ang mga tauhan ni Pastor Quiboloy. E iyong iba diyan kasi nagpapagamit sila kung anu-anong idolohiya, kung anu-anong mga nakakasira sa bansa e at iyong emosyon nila, iyong personal emotion nila, personal drive nila, personal instinct nila is tuned to promote their hatred with some groups, some people and some events in the country. They cannot get out of it. Eh dahil naman dito sa SMNI e parang neutral, ang ating guide lang e ang proseso natin at ang Panginoon,’’ayon naman kay Former Senator Juan Ponce Enrile.

Hindi rin lingid sa kaalaman ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang matatag na paninindigan aniya ni Pastor Apollo laban sa mga CCP NPA NDF na mahigit sa limang dekada nang pananalasa nito sa bansa.

“Talagang that is the correct stand of a Christian. Alam mo si Jesus Christ he suffered hindi ba, he stood the suffering to really put a cross what he stood for, eh ganyan ang sinusunod dapat ganyan ang dapat sundin na patakaran sa isang organisasyon kaya binabati ko ang ating butihing Pastor Quiboloy,” ayon kay Enrile.

Sa huli, naniniwala ang beteranong senador ng bansa na tunay na anak ng Diyos si Pastor Apollo at ang lahat ng mga akusasyon laban sa butihing Pastor ay pawang gawa lamang ng mga kampon ni Satanas.

SMNI NEWS