DA, nagpataw ng SRP para sa local onion sa NCR

DA, nagpataw ng SRP para sa local onion sa NCR

NAGPATAW ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail prices (SRP) para sa local onion na ibinebenta sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa administrative circular na nilagdaan ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ang SRP para sa medium size na pulang sibuyas ay P170 kada kilo.

Base kasi sa price monitoring ng DA, nasa P200 kada kilo na ngayon ang retail price ng pulang sibuyas.

Nakasaad sa circular na ang pagtatakda ng SRP ay para makatulong sa mga mamamayan na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang bilihin sa mga pamilihan.

 

Follow SMNI News on Twitter