DA, planong maglagay ng accredited Kadiwa Stores sa piling pamilihan sa Metro Manila

DA, planong maglagay ng accredited Kadiwa Stores sa piling pamilihan sa Metro Manila

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng accredited Kadiwa retail stores sa piling dry at wet markets sa Metro Manila.

Target nilang makamit ito sa unang quarter ng 2023.

Naniniwala ang DA ayon kay Asec. Kristine Evangelista na makakatulong ito para matiyak ang food stability sa Metro Manila kasabay ang pagtugon sa mataas na presyo ng bilihin partikular na sa agri products.

Sa lahat na interesado na maging accredited Kadiwa outlets ay hinikayat na mag-apply sa pamamagitan ng pagsumite ng letter of intent at ipadala sa director ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).

Maaari ding isumite sa DA Regional Field Office-Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) chief kasabay ang lokasyon o sketch plan ng tindahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter