Daan-daang mga preso, napauwi sa kani-kanilang bansa mula Ukraine at Russia

Daan-daang mga preso, napauwi sa kani-kanilang bansa mula Ukraine at Russia

DAAN-daang mga preso mula sa Russia at Ukraine ang kasali sa tinawag na ‘prisoners of war exchange’ kamakailan.

Sa ulat nitong Lunes, Disyembre 30, 2024, nasa 189 na mga Ukrainian na preso ang nakauwi at napalaya mula Moscow.

Sa panig ng Russia, nasa 150 naman ang nakauwi at napalaya mula Kyiv.

Samantala, sa naganap na plane crash sa South Korea kamakailan, ipapadala na sa Estados Unidos ang black box o ang flight data recorder mula sa bumagsak na Boeing 737-800.

Ito’y para maisalang sa isang analysis.

Matutukoy na ang pinakarason ng pagbagsak ng eroplano kung matatapos ang naturang analysis kasabay rin ng ginagawang pagsusuri ng Seoul sa isa pang black box na cockpit voice recorder.

Nitong Linggo, Disyembre 29, 2024 umalis mula Bangkok, Thailand ang Jeju Air Flight 7C 2216 nang bumagsak ito sa Muan International Airport sa Jeollanam-Do Province, South Korea.

Nasawi rito ang nasa 179 mula sa 181 katao na onboard sa naturang flight.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble