Dagdag na 1.4-M doses ng Pfizer vaccines, dumating na ngayong araw sa bansa

DUMATING na ngayong araw sa bansa ang nasa kabuuang 1,405,170 doses ng Pfizer vaccines na binili ng pamahalaan.

 

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Emirates Airlines Flight EK334 na lumapag sa Terminal -3 ng Ninoy Aquino International Airport 3:38 kaninang madaling araw .

Matatandaan kahapon nasa 4.2 million doses ng COVID-19 vaccines ang dumating kahapon sa bansa.

Sa ngayon nasa kabuuang 196.6 million doses na ng COVID-19 vaccines ang tinanggap ng Pilipinas simula February ng taong ito.

SMNI NEWS