Higit 1M dosis ng Pfizer vaccines na binili ng Pilipinas, dumating na sa bansa

Higit 1M dosis ng Pfizer vaccines na binili ng Pilipinas, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang nasa kabuuang 1,078,740 doses ng Pfizer vaccines sa bansa.

Ang mga naturang bakuna ay dumating kagabi pasado alas nuebe sa NAIA Terminal-3.

Ang bakunang Pfizer ay bahagi at unang batch sa 2,394,990 doses na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Bukod sa Pfizer vaccine, una nang dumating kahapon ng hapon ang nasa kabuuang 1,632,900 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng French government.

Samantala, ayon din kay Herbosa inaasahan naman ngayong araw ang pagdating ng nasa apat na milyon syringe para sa Pfizer COVID-19 vaccine.

Matatandaan, ibanaba sa 9 milyon ang target na bakunahan sa National Vaccination Days simula noong Lunes dahil sa kakulangan ng syringe.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.