INAPRUBAHAN na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board ang hiling ng Maynilad at Manila Water na dagdag-singil sa tubig.
Sa panayam kay Atty. Patrick Ty, chief ng regulatory office ng ahensya, aabot sa P13.31 per cubic meter ang dagdag-singil sa konsumo ng mga konsyumer ng Maynilad.
Habang P19.25 naman para sa mga konsyumer ng Manila Water.
Paglilinaw ni Atty. Ty, utay-utay o taon-taon ipatutupad yung taas-singil sa tubig sa loob ng 5 taon.
Sa susunod na taon, magpapatong ng P3.29 per cubic meter ang Maynilad habang ang Manila Water naman ay P8.04 per cubic meter.
Sinabi pa ni Atty. Ty, sa loob ng 5 taon ay tinatayang gagastos sila ng P163B para sa pagtatayo ng mga pasilidad na inaasahang magpapaganda pa ng kanilang serbisyo sa patubig.