NAGDEKLARA ng state of calamity ang bayan ng Malalag sa Davao del Sur bunsod ng naranasang pagbaha at landslide dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Davao del Sur ang isang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity at para na rin sa pagpapalabas ng pondo na gagamitin bilang tulong sa mga naapektuhang residente at rehabilitasyon.
Lahat ng barangay sa nasabing bayan ay kasalukuyang malubhang naapektuhan, kung saan pinakanapuruhan ang Brgy. Poblacion makaraang umapaw ang mga sapa sa lugar.
2 naman ang naitalang nasawi, isa ay mula sa Brgy. Ibu at isa sa Brgy. Pitu.
Sa ngayon gumawa ng rescue at force evacuation ang mga otoridad at sinuspinde ang klase sa lahat ng antas.