Dating ES Rodriguez, nakiisa sa prayer rally ng KOJC; Mga korap at gahamang politiko binatikos

Dating ES Rodriguez, nakiisa sa prayer rally ng KOJC; Mga korap at gahamang politiko binatikos

MATAPOS magsalita si Dating Press Secretary Atty. Trixie Angeles-Cruz noong Huwebes, dumating din ang dating Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez, hapon ng Biyernes upang makiisa sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) laban sa mga abusado, korap, at gahaman sa gobyerno.

“Bagama’t hindi ako myembro, ako po ay hindi konektado sa SMNI, nandito ako bilang Pilipino at kaisa ninyo,” pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, Former Executive Secretary ng Marcos Admin.

“Kaisa po ako ninyo sa pagsigaw that we the sovereign people are not for sale.”

“I stand with solidarity with you tonight, united stand and demand for those who are in government to be transparent and accountable,” wika pa ni Rodriguez.

Tinira nito ang pagnanais ng mga politiko na mabago ang Saligang Batas sa pamamagitan ng pekeng People’s Initiative (PI) at Charter Change.

Giit nito, walang problema sa Saligang Batas sa kabila na hindi ito perpekto.

 “Hindi problema ang Saligang Batas kundi ang kurapsyon.”

“Ang problema ay ang mataas na inflation.”

“Sila mismo ang problema, ang problema ay ang mga gahamang politiko mismo.”

 “Alam niyo ho, napakayaman ng bansa, ng Pinas subalit hindi ginagamit sa tama ang ating mga pondo.”

“Baka ninanakaw, inuuwi at inilalabas na ng bansa ang pera ng mga kawawang Pilipino,” diin ni Rodriguez.

Hindi rin nito pinalampas ang kawalan ng ‘due process’ at paglapastangan ng karapatang pantao ng mga Pilipino kabilang na ang mga karapatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Sinimulan sa prangkisa ng SMNI…sinunod ang kinulong si Ka Eric at Lorraine Badoy. Pinilit sinisira at sinisiraan si VP Inday Sara…Patuloy na ginigipit si PRRD… Pati vloggers ginigipit at kinukulong. At ngayon naman ay si PACQ,” saad pa nito.

Pinuna rin nito ang sinasabing in aid of legislation ang pagpapasubpoena at pagpapaaresto sa mga inimbestigahan nito.

“What is there to legislate? Napakadami na ng batas na kriminal sa Revised Penal Code at Special Laws. Dalhin natin ito sa totoong korte na siyang maglilitis.”

“Hayaan natin ang totoong korte at huwes ang maglitis, at kung need magbigay ng parusa at hayaan nating humatol hindi ang Senado, hindi ang Kongreso.”

“Ito ba ay bago? Is this case so unique and novel to warrant the passage of a criminal law?”

“Bakit laging investigation in aid of legislation? O ito ba ay investigation in view of Grandstanding?” aniya.

Dating ES Rodriguez nanawagan sa publiko na huwag manahimik sa mga gahamang politiko

Sa huli, hinikayat ni Rodriguez ang lahat na magsalita laban sa mga abusado na politiko.

Aniya ang mga mananahimik ay kumakampi sa mga nang-aapi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter