NAITALA noong December 2023 ang pinakamaliit na bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 1.6-M ang walang trabaho noong 2023.
Ibig sabihin, tumaas ang employment rate na katumbas ng 50.52-M.
Sa sektor ng konstruksiyon, agriculture and forestry at accommodation and food service pinakamataas ang employment rate.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), umaasa sila na magtutuluy-tuloy ito dahil tinututukan na ng pamahalaan na maparami ang investments sa bansa.