Dengue task force, idineploy sa Pasig

Dengue task force, idineploy sa Pasig

NAG-deploy ng tatlong dengue task force si Pasig City Mayor Vico Sotto upang kontrolin ang pagkalat ng dengue sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ang dalawang grupo ay nag-iikot sa buong lungsod partikular na sa bahagi ng lungsod na may maraming naitatalang kaso ng dengue.

Habang ang pangatlong grupo ay pinangunahan ng alkalde para sa ‘Oplan Kaayusan na Aktibidad’.

Sa datos ng Pasig Dengue Task Force, pinakamaraming bilang na kaso ng dengue ang mga batang edad 4 pababa sa lungsod mula nitong Enero hanggang Mayo.

Sa kabuuan, mayroong 623 dengue cases ang lungsod ang na-admit sa ospital habang nasa 296 ang na-diagnose sa sakit ang hindi na-admit.

Siniguro naman ni Sotto na ginagawa nila ang lahat upang makontrol at mapababa ang bilang ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter