SA nagpapatuloy na 2024-2025 season ng NBA ngayong araw, Disyembre 17, 2024, Manila Time, panalo ang Detroit Pistons kontra Miami Heat sa iskor na 125-124.
Philadelphia 76ers naman ang wagi kontra Charlotte Hornets sa iskor na 121-108.
Samantala, tinaob ng Chicago Bulls ang Toronto Raptors sa iskor na 112-102 habang talo ang Brooklyn Nets kontra Cleveland Cavaliers sa iskor na 126-91.
Sa kabilang banda, dito sa bansa, maglalaro alas singko ng hapon ngayong araw ang Converge FiberXers at NLEX Road Warriors.
Susundan ito ng Phoenix Fuelmasters at Northport Batang Pier, alas syete y media ng gabi.
Gaganapin ang nagpapatuloy na elimination round ng 2024 PBA Commissioner’s Cup sa Ninoy Aquino Stadium.