DFA, walang na-monitor na may nasaktan o nasawi sa magnitude 6.8 na lindol sa Morocco

DFA, walang na-monitor na may nasaktan o nasawi sa magnitude 6.8 na lindol sa Morocco

KAHIT walang natatanggap na ulat na may mga Pilipinong apektado sa nangyaring lindol sa Morocco ay patuloy pa rin ang pakikipag- ugnayan ng ating Embahada at Labor Attache sa mga Filipino community doon para patuloy na alamin ang kalagayan nila.

Normal at patuloy pa rin na nagtatrabo ang mga Pinoy sa Morocco.

Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng nangyaring magnitude 6.8 na lindol sa Morocco noong nakaraang linggo.

Ayon kay DFA Asec. Raymund Cortes sa public briefing, tinatayang nasa 4,600 ang mga Filipino ang kasalukuyang nasa Morocco habang nasa 50 naman ang nasa Marrakech o ang lugar kung saan tinamaan ng lindol.

Pero sa libo-libong naiulat na apektado ng lindol, wala namang Pilipino ang naiulat ang nadamay.

“Good for us, luckily medyo wala naman pong mga kabayan natin na iniulat na nasalanta o kaya’y nasaktan na  naging casualty na lindol na po ito of course we’re lucky  na wala po sa Pilipino community but. Libolibo ho ang kapwa nating Moroccans  brothers and sisters natin na Moroccans ang nasalanta at namatay. So Our hearts go to sa mga biktima ng lindol na ito,” ayon kay Asec. Paul Raymund Cortezl, DFA.

Kinumpirma rin ng DFA na sa kabila ng mga pag-aalala sa nangyari ay wala namang mga Pilipino ang nagpahayag ng repatriation.

“So far wala naman po sa mga kababayan natin ang humihingi ng repatriation and   kung meron man naka handa po ang ating gobyerno para tulungan silang makauwi,” dagdag ni Asec. Cortez.

Ayon naman kay Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac,  patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang Labor Attache na nasa Rabat kung saan ang Capital City ng Morocco sa mga overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Gayunpaman tiniyak din ng DMW na kahit wala pang humihingi ng tulong na mga Pilipino ay nakahanda naman ang pamahalaan ng tulungan sila ng karampatang tulong.

“But nevertheless, kahit na hindi sila humihingi ng tulong ay pinapaabot natin sa kanila na magpapadala pa rin tayo ng assistant sa kanila, kung anuman ang use na makikita nila dito katulad ng basic needs at ‘yung immediate na apektado ay bibigyan din natin ng financial assistant,” ayon kay Atty. Hans Leo Cacdac, OIC, DMW.

Pinapayuhan ng DMW at DFA na agad makipag-ugnayan sa kanila sakaling may mga kamag-anak ng mga Pilipino na nasa Morocco o mismong mga Pilipino na nasa Morocco na nadamay ng lindol.

Para sa anumang mga emergency o katanungan, ang Embahada ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:+212694202178 or FB Philippine Embassy in Morocco.

OWWA Hotline no. 1348.

Humihingi ng dalangin ang DFA na patuloy na bigyan ng proteksyon ang mga kababayan natin na nasa Morocco.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble