Disciplinary sanctions, ipinataw sa agency na naghire kay Jullebee Ranara –DMW

Disciplinary sanctions, ipinataw sa agency na naghire kay Jullebee Ranara –DMW

INIHAYAG ng Department of Migrant Workers (DMW) na meron na silang ipinataw na disciplinary sanction sa Catalist International Manpower na recruitment agency ni Jullebee Ranara at nagsampa na rin ng disciplinary actions ang DMW laban sa employer nito.

Sa isang virtual briefing, kinumpirma rin ni DMW Usec. Bernard Olalia na ang counterpart na local agency ni Ranara na Platinum International sa Kuwait ay nahaharap naman sa recruitment violation case at disciplinary sanctions.

“Meron na po tayong inimpose na disciplinary sanction,” ani Usec. Bernard Olalia, DMW.

Dagdag din ni Olalia, ipapa-iskedyul na nito ang preliminary conference.

Sa naging pag-uusap naman ni DMW Secretary Susan Ople sa naiwang pamilya ni Jullebee, bago ito pinaslang ng binatilyong anak ng employer ay nakakatanggap na ng pangha-harass ang Pinay worker.

Huling pag-uusap ni Jullebee sa pamilya nito ay noong nakaraan pang Biyernes.

Pero Linggo ng gabi natagpuan ang isang sunog at patay na katawan na iniwan sa disyerto ng Kuwait, base sa DNA testing kinumpirma na ito ay si Jullebee.

Ani pa ni Ople, pag-uusapan ng legal team ni Usec. Olalia at ng agency ni Ranara kung may natatanggap bang reklamo si Jullebee sa agency nito.

Sa kanila kasing OFW Welfare Monitoring System, walang naiulat na may reklamo si Jullebee.

Require kasi ang mga recrutiment agency na magreport sa sitwasyon at kalagayan ng mga OFW abroad.

Samantala kinumpirma rin ng DMW chief na alam naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nangyari kay Jullebee.

Follow SMNI NEWS in Twitter