Djokovic, pasok na sa semi-finals ng Australian Open

Djokovic, pasok na sa semi-finals ng Australian Open

PASOK na si Novak Djokovic sa semi-finals ng Australian Open at 2 panalo na lamang ang kailangan nito upang makamit ang kanyang 22nd Grand Slam Crown.

Dinurog ni Djokovic ang Russian fifth seed na si Andrey Rublev sa iskor na 6-1,6-2, at 64 sa Rod Laver Arena at nakatakda itong makaharap si Tommy Paul para sa finals sa Sunday.

Ayon kay Djokovic, masaya siya sa kanyang paglalaro ng tennis sa ngayon at talagang gusto niya ang paglalaro sa ganitong klaseng kondisyon at court.

Dahil sa panalo, ito na ang 44th Grandslam Semi-Final ni Djokovic upang mapalapit sa all-time record ni Roger Federer na 46.

Matatandaan na nahirapan ang 25-taong gulang na si Djokivic dahil sa hamstring injury noong mga nakalipas na rounds sa Melbourne Park ngunit nagawa nitong maging dominante sa kanyang fourth-round demolition kay Alex de Minaur at Rublev.

 

Follow SMNI News on Twitter