DMW, DFA hinikayat na maglatag ng pangmatagalang estratehiya sa pagpapalaya ng dinukot na Pinoy seafarers

DMW, DFA hinikayat na maglatag ng pangmatagalang estratehiya sa pagpapalaya ng dinukot na Pinoy seafarers

HINIMOK ni Sen. Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magkasa ng pangmatagalang estratehiya upang makipag-usap para sa pagpapalaya ng dinukot na Pinoy seafarers sa gitna ng lumalawak na Israeli-Palestinian conflict sa labas ng Gaza Strip.

Muling naging bihag ang mga tripulanteng Pinoy sa insidenteng hijacking noong Linggo sa Gitnang Silangan, isang linggo lamang matapos na ang mga rebeldeng Houthi ng Yemen ay nang-agaw ng isang barkong may kaugnayan sa Israel.

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, na mas nalalagay sa panganib ang buhay ngayon ng mga tripulanteng Pinoy dahil maaaring magsanib-pwersa ang iba’t ibang militanteng grupo na nagnanais na ipaghiganti ang pagkamatay ng libu-libong Palestino.

Nagbabala rin ang senador na may banta ang mga rebeldeng Houthi na kumakampi sa mga Palestino na targetin o salakayin ang iba pang mga barkong may koneksyion sa Israel.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter