MAGANDANG magkaroon ng mas malaking budget ang Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay ayon kay Senador Alan Cayetano kasunod sa pagkakapasa sa Senado ng 2023 proposed budget ng DMW na nagkakahalaga ng P16.2-B.
Aniya, 2-4 na trilyong piso ang kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng bansa at hindi sasapat bilang sukli sa kanila ang P16-B.
Suhestiyon niya, bigyan ng 20-30 billion pesos na pondo ang DMW.
Sa paraang ito, makikita ng mga pamilya at mismong ang OFWs na seryoso ang pamahalaan sa pagtugon ng mga pangangailangan nila.