DOH, nakapagtala ng 32 na karagdagang kaso ng Omicron BA.5

DOH, nakapagtala ng 32 na karagdagang kaso ng Omicron BA.5

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 32 na karagdagang kaso ng Omicron BA.5 subvariant sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 21 sa new cases ay mula sa Region 6, tig-4 sa Region 4A at National Capital Region (NCR) at 3 ang mula sa Region 3.

Ayon kay Vergeire, 30 sa mga kaso ang fully vaccinated, isa ang partially vaccinated habang inaalam pa ang vaccination status ng isa pa.

Inaalam pa rin sa ngayon ang exposure at travel histories ng mga pasyente.

Sinabi ni Vergeire na 22 sa mga ito ang nakaranas ng mild symptoms, 5 ay asymptomatic habang beneberipika pa ang natitirang 5 kaso.

Sa ngayon, tagged bilang rekober na ang 16 indibidwal na tinamaan ng sakit, 14 ang sumasailalim pa rin sa isolation habang inaalam pa ang outcome ng natitirang 2 pasyente.

Dahil dito, pumalo na sa 43 ang kabuuang kaso ng Omicron BA.5 subvariant sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter