INATASAN na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y malalaswang larawan ng mga anak ni Vice President Leni Robredo na kumakalat online.
Ayon kay Guevarra, ipinag-utos na niya ang imbestigasyon bago pa pormal na humingi ng tulong ang magkapatid na Aika at Tricia Robredo sa NBI.
Aniya, iniimbestigahan na ito ng Cyber Crime Division.
Ipinag-utos din aniya sa NBI na maghain ng mga kaukulang kaso sa mga mapatutunayang responsable sa malicious acts na ito.
Sinabi ng kalihim na maaring maharap ang mga nasa likod ng mga pagpapakalat ng larawan sa Gender-Based Sexual Harassment sa ilalim ng Safe Spaces Act.