Cybercrime division ng NBI, sisilipin ang umano’y phishing na nangyari sa Landbank

Cybercrime division ng NBI, sisilipin ang umano’y phishing na nangyari sa Landbank

SISILIPIN na ng National Bureau Investigation (NBI)-Cybercrime Division kung anong uri ng phishing ang nangyari sa Landbank.

Ayon ito kay NBI-Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo sa panayam ng SMNI News.

Linggo nang napaulat na marami sa mga guro ang nawalan ng P10-K hanggang P150-K sa kanilang bank accounts.

Samantala, may tatlong uri ng phishing ayon kay Lorenzo.

Una ay email phishing kung saan may pinapadala sa email ang umano’y respetadong kumpanya at hinihingi ang personal information ng mga tao gaya ng passwords at credit card numbers.

Pangalawa ang smishing at sa pamamagitan naman ito ng text.

Pag mai-click ang link na nasa message, mapupunta sa isang webpage at hihingi naman ito ng account details.

Pangatlo ang vishing kung saan tatanggap ka ng tawag at sasabihing representative sila ng isang bangko.

Hihingiin naman nila dito ang account information ng isang tao.

Pinaalalahanan naman ngayon nito ang publiko na huwag magbigay ng account information at passwords sa kahit sinuman para maiwasang ma-scam.

Una nang pinaiimbestiga ng Department of Justice (DOJ) sa NBI ang naganap na phishing scam sa ilang account ng mga guro sa Landbank.

Ayon ito kay DOJ Sec. Menardo Guevarra ngunit nilinaw nya na hiwalay ito sa gagawing imbestigasyon ng NBI ang mga gurong naging biktima nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter