PINANAWAGAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabasura ng licensure exams para sa mga nurse.
Ito ay ibinahagi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang pagpupulong kasama ang Philippine Nurses Association at ang Board of Nursing.
Sinabi ni Secretary Bello na pag-aaralan ito para maiakyat sa Kongreso.
Ayon pa kay Bello, dumaan na sa apat na taong pag-aaral ang mga nursing students kung saan marami a rin itong dinaanang exams.
Paliwanag pa nito na dagdag gastos lang din ang licensure exams sa mga nursing students.
Ani Bello, hindi pa ba aniya sapat na paniwalaan ang kakayahan ng mga nursing student mula sa mga nursing schools sa bansa na aprobado ng Commission on Higher Education (CHED).