Dr. Padilla, tiwala sa kakayahan ng mga kababaihan na mamuno

Dr. Padilla, tiwala sa kakayahan ng mga kababaihan na mamuno

MALAKI ang kumpiyansa ni senatorial candidate Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla sa kakayahan ng mga kababaihan na mamuno.

Sinabi ni Dr. Padilla sa panayam ng SMNI News na maraming maibabahagi ang mga kababaihan sa gobyerno.

Aniya, bago pa dumating ang mga Espanyol sa bansa, may ginagampanan nang tungkulin ang mga kababaihan na tinatawag na Babaylan, ito ay mga spiritual adviser, healer at story keeper ng isang tribu.

Aminado rin si Dr. Padilla na siya ay nag-iisang babae sa Partido Reporma.

“Tapos ako ang magsasalita, ‘aalagaan ko kayo’, it’s a gentleness and yet strength, malakas tayong mga babae pero gentle pa rin,” ayon kay Padilla.

Naniniwala rin si Padilla na multi-tasking at intuitive ang mga babae.

Dagdag pa nito, epektibo rin na gawing mediator ang isang babae sapagka’t nakikinig at umuunawa ang mga ito.

“Sasabihin, ay naku ang sarap pakinggan kasi parang inaalagaan ka nitong taong ito, maganda may kalalakihan, may kababaihan, there has to be a balance,” saad nito.


Follow SMNI N EWS in Twitter