Drilon, naniniwala na maraming hamon na kahaharapin si VP Sara sa DepEd

Drilon, naniniwala na maraming hamon na kahaharapin si VP Sara sa DepEd

NANINIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maraming kahaharaping hamon ang incoming secretary ng Department of Education (DepEd) na si Vice President-elect Sara Duterte.

Ani Drilon, ito ay dahil 90% sa mga estudyanteng Pinoy sa edad 10 taong gulang ang hindi marunong magbasa.

Ito ay base sa ulat ng World Bank na nagpapakita na 9 sa 10 bata sa bansa ang hindi marunong magbasa.

Aniya, naka-aalarma ang sitwasyon na ito.

Dagdag pa ni Drilon, isa sa isyu na kahaharapin ng administrasyon ni Marcos ay ang hindi magandang estado ng edukasyon sa bansa na pinalala pa ng pandemya.

Payo nito, dapat magkaroon ng roadmap ang gobyerno dahil magkakaroon ng long-term effect sa bansa kung hindi matutugunan kaagad ang problema sa sistema ng edukasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter