Drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Laguna

Drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Laguna

NALAMBAT ang isang drug personality matapos ang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Cruz, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting provincial director ng Laguna Police ang suspek na si alyas Toper, residente ng Santa Cruz, Laguna.

Si alyas Toper ay nahuli nang magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha sa kanya ang 6.20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 42,000 piso.

Hawak na ng Santa Cruz Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter