DSWD, binalaan ang publiko sa bagong modus ng mga kawatan

DSWD, binalaan ang publiko sa bagong modus ng mga kawatan

BINALAAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na mag-ingat laban sa bagong modus ngayon ng mga kawatan.

Ito’y matapos kumalat ang mga text message hinggil sa ‘unclaimed’ relief allowances ng mga benepisyaryo ng ahensya.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DSWD na wala silang pinapakalat na text messages para targetin ang senior citizens at business owners.

Nilinaw rin ng kagawaran na walang ganoong cash assistance ang DSWD para sa mga senior.

Magkagayunman ay extended ang AICS financial assistance ng tanggapan sa mga nakatatanda ngunit dadaan muna sa assessment ng central office bago makapasok sa programa.

Para sa concerns, maaring tawagan ang DSWD sa kanilang hotline 8931-8101 local 10125/10157 o mag-email sa [email protected].

Follow SMNI NEWS in Instagram