PERSONAL na dumalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Transportation (DOTr) sa pagpapasinaya ng dalawang katatapos lang na transport infrastructure project ng Dumaguete City.
Ang dalawang malalaking proyekto na ito ay ang newly rehabilitated at expanded Dumaguete-Sibulan Airport at upgraded port of Dumaguete.
“Dahil sa improvement sa paliparan ng Dumaguete, pupuwede nang mag-accommodate ng mas malaking eroplano ang Dumaguete,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Bukod pa rito, tataas na ang terminal capacity ng airport mula sa 330 passengers, ito ay magiging 450 passengers na.
Samantala, para naman sa Port of Dumaguete, kaya na nitong mag-accommodate ng 500 passengers.
Binati naman ni Roque ang Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) at Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa mga proyektong ito.