IMINUMUNGKAHI ng tumatakbong Senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang pagpapahusay sa solid waste management sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Eco-Composting Receptacle (ECR).
Ito ay isang sistema na idinisenyo upang gawing mas madali, organisado at epektibo ang proseso ng composting.
Sa pamamagitan nito, ang mga nabubulok na basura tulad ng balat ng prutas, gulay, tuyong dahon at iba pa ay gagawing fertilizer upang maging kapaki-pakinabang sa mga halaman at kalikasan.
Habang ang mga hindi nabubulok na basura ay i-rerecycle.
“It is one of the most effective yet cheapest technologies in waste management using natural methods of decomposistion,”ayon kay Atty. Kaye Laurente.
Ang ganitong sistema ay napatunayan nang epektibo dahil mismong sa Kingdom of Jesus Christ ay ipinapatupad ito ni Pastor Apollo.
Sa KOJC, mayroong tinatawag na Material Recovery Facility kung saan pinaghihiwalay at pinoproseso ang mga recyclable at non-recyclable na mga basura.
Ang ECR ay nakatutulong na mapigilan ang mabahong amoy sa kapaligiran– mura at madali pa itong itayo at madali lang i-operate.
Ang ganitong sistema ay ipinapatupad din sa ibang bansa tulad ng Germany, Sweden, Japan at iba pa.
Samantala, iminumungkahi din ng butihing pastor ang mas mahigpit na parusa para sa mga iresponsableng nagtatapon ng basura tulad ng community service.
‘’Dapat yung LGU mismo ang ipupush natin para mag-oversee ng problema sa solid waste,’’ saad ni Atty. Kaye Laurente.
Naniniwala si Pastor Apollo C. Quiboloy na ang maduming kapaligiran ay maaaring mag-udyok ng kriminalidad, samantala ang kalinisan naman ay nag-uudyok ng pagpapala.